Friday, December 02, 2005

wala na siya

umalis na si Charmae, and mabait at matalinong bata na nakitira ng apat na araw sa aming bahay. isa siya sa mga SCORES participants ng eskwelahan ni Julia. hindi siya nakapagsasalita o nakakaintindi ng cebuano sapagkat siya ay isang ilongga. kaya naman kapag nakikipag usap kami sa kanya, ang ginagamit naming lenguahe ay tagalog/Filipino.
marunong akong mag Tagalog ngunit kapag ito ay ginagamit ko na ay para bang awkward ang feeling ko. kahit nga ngayon na sinusulat ko lang ito ay para akong kinikilabutan. ewan kung bakit. siguro dahil napakamatigas ng dila ko. hhayy nako.. hindi ko muna ito tatapusin, mag cha-chat muna ako. nakakatawa na itong ginagawa ko at itong mga pinagsasabi ko. lol

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

it's all in the mind...